P4.3 milyong halaga ng iligal na droga narekober sa Cebu City

Metro News

Tinatayang P4.3 milyong halaga ng iligal na droga ang narekober ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Barangay Labangon sa Cebu City noong Sabado ng gabi.

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Mark Gonzales.

Nakuha sa kanya ang hinihinalang shabu at marked money na nagkakahalaga ng P360,000.

Nakatakas naman ang target ng operasyon na si Junmar Umpad aka “Avatar.”

Ayon kay Gonzales, carrier lamang siya ng shabu na nanggagaling kay Umpad.

Tuloy ang pagtugis kay Umpad samantalang mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs si Gonzales.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *