Pangamba ng mga bakasyunista sa Batangas pinawi ng PHIVOLCS

National News

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng mga turistang planong magbakasyon sa Batangas sa gitna ng umano’y ‘earthquake swarm’ na nangyayari sa probinsiya.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, mag-enjoy na lang ang mga turista pero dapat ay mag-ingat pa rin ang mga ito.

Isang hindi pa matukoy na fault line sa Mabini Peninsula ang sanhi ng mga lindol sa Batangas pero hindi na umano lalakas ang mga pagyanig.

Nilinaw naman ni Solidum na walang kaugnayan ang West Valley Fault at ang fault sa Mabini na pinangangambahang magdudulot ng magnitude 7.1 na lindol o ang “The Big One.”

Wala rin aniyang posibilidad ng tsunami matapos ang serye ng mga lindol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *