2 sa 3 convicted OFWs sa Qatar posibleng mabigyan ng pardon

National News

Posible umanong mabigyan ng pardon ang dalawa sa tatlong OFWs na nasa death row sa Qatar.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, inapela ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Qatari Emir Sheikh Hamad Bin Khalifa Al Thani ang pagpapalaya sa tatlong OFWs na nakapiit sa naturang bansa.

Hindi naman pinangalanan ni Bello kung sino sa tatlong convicted OFWs sa Qatar ang posibleng mabigyan ng pardon.

Taong 2010 nang makulong ang tatlong OFWs sa Qatar dahil sa kasong espionage at economic sabotage.

Nasentensiyahan ang mga ito ng kamatayan pero napababa ito sa life imprisonment matapos umapela sa gobyerno ng Qatar ang Aquino Administration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *