Duterte muling binanatan ang mga kritiko sa Qatar, pinuri si Trump

National News

Walang patawad si Pangulong Rodrigo Duterte dahil maging sa Qatar ay binanatan niya ang kanyang mga kritiko.

Hindi naitago ni Duterte ang kanyang sama ng loob nang humarap siya sa Filipino community sa Lusail Sports Arena sa Doha, Qatar.

Muli ring binanatan ni Duterte ang oligarchs o mayayamang negosyante na gaya raw ni Lucio Tan na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Binatikos din ng pangulo ang human rights groups at ilang media networks na madalas nitong pagbuntunan ng galit.

Kasabay nito, mistulang ibinida pa ni Duterte ang pagtawag niya ng ‘son of a bitch’ at ‘go to hell’ kay dating US President Barack Obama.

Pero sa kabila nito, pinuri naman ng pangulo si President Donald Trump na aniya’y isang ‘realist’ at ‘pragmatic thinker.’

Giit ni Duterte, na hindi raw naging bilyonaryo si Trump kung hindi ito practical at magaling mag-isip.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *