5 pulis, 3 sibilyan sugatan sa magkasunod na pagsabog sa Tacurong City

Regional

Walo katao na karamihan ay mga pulis ang nasaktan sa dalawang pagsabog sa Tacurong City sa Lalawigan ng Sultan Kudarat dakong alas-siyete nitong Lunes ng gabi.

Naganap ang unang pagsabog sa rooftop ng Dragon Gas Station sa National Highway sa Barangay Isabela na sinundan ng isa pang pagsabog sa mismong compound ng gasolinahan.

Kinilala ang mga nasugatang pulis na sina S/Sgt. Ipil Presaldo, S/Sgt. Menzo Salsalito Manoy, SPO2 Jasper Garcia, PO1 Martin San Pedro at PO1 Eleazar Sustiguer.

Bukod sa mga ito, tatlong sibilyan din ang nasugatan sa insidente.

Iniimbestigahan na ang pangyayari pero hinala ng mga awtoridad ay may kinalaman dito ang Bangsamoro Islamic Liberation Front (BIFF).

Samantala, sa Cagayan de Oro City,

walumpung gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P560,000 ang halaga ang nasabat ng pulisya sa buy-bust operation, Lunes ng gabi.

Arestado sa operasyon ang target na si Gilber Villarmino na ilang buwan umanong sinubaybayan ng mga awtoridad.

Hinuli rin ang kasama nitong si Rolly Labandia na nakuhanan din ng shabu.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *