Cavs wagi vs Pacers sa Game 2 ng NBA playoffs

Sports

Pinangunahan ng Big 3 ng Cleveland Cavaliers ang panalo ng koponan kontra-Indiana Pacers sa Game 2 ng National Basketball Association (NBA) playoffs sa score na 117-111.

Nagtala ng 37 points si Kyrie Irving, 27 points si Kevin Love at 25 points, 10 rebounds at 7 assists si Lebron James para itumba ang Pacers.

Nasayang naman ang pinakawalang 32 points ni Paul George para sa Pacers.

Hawak na ngayon ng Cavaliers ang dalawang panalo sa best-of-seven series kontra-Pacers.

Sunod na maghaharap ang dalawang koponan sa balwarte ng Pacers sa Biyernes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *