Mga tumututol sa UP honorary degree ni Duterte binuweltahan

National News

Walang pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte kung mabigyan man o hindi ng isang ‘honorary degree.’

Ito ang naging pahayag ni presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ayon sa batang Duterte, hindi naman pinaghirapan ng kanyang ama ang pagkakaroon ng nasabing degree na ibibigay ng University of the Philippines (UP).

Sapat na rin aniyang pagkilala ang pagiging pangulo ng bansa ng kanyang ama.

Para sa kanya ay okay na siyang pangulo ng bansa ang kanyang ama.

Kasabay nito’y binuweltahan ng bise alkalde ang mga kontra sa honorary doctorate degree na ibibigay sa kanyang ama at mas mabuti umano na mapunta na lang ito sa kanila.

Gayunman, nagpapasalamat ang Pamilya Duterte sa UP Board of Regents sa pagkokonsidera sa kanyang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *