MMDA dapat bigyan ng dagdag- kapangyarihan kaysa sa buwagin —Orbos

Metro News

Kinontra ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Tim Orbos ang panukalang buwagin ang MMDA at palitan ito ng Metropolitan Manila Government (MMG).

Ayon kay Orbos, hindi pagbuwag kundi pagbibigay pa nang higit na awtoridad ang kailangan ng MMDA para matugunan ang mga problema sa trapiko sa Metro Manila (MM).

Sa ngayon, ani Orbos ay isa lamang coordinating body ang MMDA.

Mayroon din aniyang downside ang panukalang pagbuo ng MMG dahil maaari itong mahaluan ng pulitika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *