Operasyon ng MRT isang oras naantala

Metro News

Isang oras na naantala ang operasyon ng MRT-3 ngayong umaga.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT, inayos ang riles sa North Avenue Station kaninang alas-4:30 ng umaga kaya hindi agad nakaakyat ang tren.

Kagabi ay nagpatupad din ng provisionary service ang MRT mula Taft Avenue Station hanggang Shaw Boulevard Station at vice versa dahil nagkaproblema ang turnback facility sa dulong bahagi ng North Avenue Station.

Ang naturang pasilidad ang ginagamit para makalipat ang mga tren mula Northbound patungong Southbound at pabalik.

Dahil dito ay naipon ang mga pasahero ng MRT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *