Duterte nanindigang hindi tatanggapin ang honorary award

National News

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatanggapin ang honorary degree na balak ibigay sa kanya ng University of the Philippines.

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos maging kontrobersiyal ang desisyon ng UP Board of Regents at umani ng mga protesta mula sa mga estudyante at alumni ng pamantasan.

Sinabi ng pangulo na buong paggalang niyang tatanggihan ang nasabing honorary award dahil wala umano sa kanyang pagkatao ang pagtanggap ng mga parangal.

Ayon pa kay Duterte, bahagi na ng kanyang personal at official policy na huwag tumanggap ng mga award o pagkilala simula pa noong siya ay alkalde pa lamang ng Davao City.

Nilinaw ni Duterte na hindi niya nire-reject, kundi dinede-decline lamang niya ang UP honorary award.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *