Malaking pabuya alok para madakip ang pumatay sa PDRRMC chief sa Palawan

Regional

Magbibigay nang malaking pabuya ang governor ng Palawan sa makapagbibigay-impormasyon para madakip ang suspek sa pagpatay kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMC) Chief Gilbert Baaco.

Ayon kay Provincial Information Officer Attorney Gil Acosta, Jr., makatatanggap ng sampung milyong pisong pabuya ang sinumang makapagtuturo sa pumatay kay Baaco.

Pero kung hindi pa aniya ito sapat ay magbibigay pa si Palawan Governor Jose Chaves Alvares ng karagdagang dalawampung milyon mula sa sarili niyang bulsa.

Ang nasabing halaga ang pinakamalaking alok na pabuya sa kasaysayan ng probinsiya.

Maaari namang tumawag ang may hawak na impormasyon para madakip ang suspek sa mga hotline na 0917-543-3310, 0920-957-1541 at 0907-021-8644.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *