Marcos ipinababasura sa PET ang counter-protest ni Robredo

National News

Ipinababasura ni dating Senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ang counter-protest ni Vice President Leni Robredo sa kanyang election protest.

Sa inihaing mosyon ng kampo ni Marcos, sinabi niyang nabigo si Robredo na magbayad ng walong milyong piso para maiproseso ang counter-protest nito.

Ayon kay Attorney Vic Rodriguez, abugado ni Marcos, naniniwala sila na delaying tactic lamang ang hakbang na ito ni Robredo para hindi mapaalis sa puwesto.

Tiniyak naman ng kampo ni Robredo na magbabayad sila sa oras na maresolba na ng tribunal ang kanilang mosyon para linawin ang protest fee ng dating senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *