OSG tinawag na desperado si De Lima

National News

Inalmahan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang bagong paratang ni Senadora Leila De Lima na nakipagkasundo ang gobyerno sa high profile inmate na si Jaybee Sebastian.

Ito ay para idiin ang senadora sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi ni SolGen Jose Calida na desperado lamang umano ang senadora kaya’t kung anu-ano ang ginagawa nitong kuwento.

Ayon kay Calida, walang katotohanan ang paratang ni De Lima.

Nais lamang daw ng senadora na malihis ang pansin ng publiko sa pagkakasangkot nito sa narco-politics.

Paliwanag ni Calida, personal na pag-atake ang ginagawang diskarte ni De Lima para matabunan ang kaso nito sa halip umano na harapin ang tunay na isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *