Pagbaba ng bilang ng kuntento sa war on drugs hamon sa PNP

National News

Nagsisilbi umanong hamon sa Philippine National Police (PNP) na makakuha ng mataas na public satisfaction ang inilulunsad na war on drugs.

Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Dionardo Carlos, tinitingnan pa rin nilang positibo ang pagbaba ng bilang ng mga kuntento sa kampanya kontra-droga.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), bumagsak ng labing-isang puntos ang net satisfaction ng publiko sa kampanya kontra-droga kumpara noong Disyembre 2016.

Lumabas din sa survey na 92 percent ng mga Pinoy ay gustong mahuli nang buhay ang drug suspects.

Sinabi naman ni Carlos na kaisa sila ng mga tao sa pagnanais na mahuli nang buhay ang mga lumalabag sa batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *