Dela Rosa kuntento sa itinatakbo ngayon ng giyera kontra-droga

National News

Kuntento si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa sa itinatakbo ngayon ng kampanya kontra-droga.

Sinabi ni Dela Rosa na sa kanyang personal assessment ay mas okay ngayon ang takbo ng nasabing kampanya at kakaunti na rin ang namamatay sa operasyon.

Siniguro rin ni Dela Rosa na nababantayang mabuti ang kapulisan para hindi na maulit na nagagamit ang war on drugs sa personal na agenda ng mga tiwaling pulis.

Bukas din aniya ang PNP sa lahat ng mungkahi para mapabuti pa ang implementasyon ng kampanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *