Kadamay takeover sa gov’t housing projects ipinabubusisi ni Trillanes

National News

Nais ipabusisi ni Senador Antonio Trillanes IV ang iligal na pag-okupa ng grupong Kadamay sa mga pabahay sa Pandi, Bulacan.

Hinala ng senador, ang kaugnayan ng tatlong miyembro ng Gabinete sa partido komunista ang siyang dahilan ng pagkunsinti ng gobyerno sa pag-okupa ng Kadamay sa mga pabahay.

Matatandaang ipinaubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kadamay ang pag-okupa sa mga pabahay sa Pandi.

Bukas naman ay nakatakdang mag-ocular inspection ang Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement sa Pandi para tingnan ang lagay ng mga pabahay roon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *