Timing at motibo ng ICC case laban kay Duterte kinuwestiyon ng Malacañang

National News

Mariing kinuwestiyon ng Malacañang ang timing at motibo ng inihaing kaso ng kampo ni self-confessed hitman Edgar Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa kasong isinampa ni Atty. Jude Josue Sabio, abugado ni Matobato, nais nilang panagutin ng ICC si Duterte sa umano’y ginawang mass murder sa Pilipinas.

Naniniwala si Presidential Spokesman Ernesto Abella, na layunin ng pagsasampa ng kaso ay para makalikha ng negatibong balita sa gitna ng ASEAN Summit hosting ng Pilipinas bagama’t hindi naman talaga ito uusad.

Aniya, malinaw sa rules ng ICC na bilang ‘last resort’ na korte, papasok lamang ito o kukunin ang hurisdiksiyon sa isang kaso kapag nagamit na ang lahat ng legal remedies sa bansa.

Hangad lamang daw ng kaso sa ICC na ipahiya si Pangulong Duterte at bahagi lamang ng desperadong pagtatangkang sirain ang reform-oriented agenda ng Duterte Administration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *