4 na mangingisda nasagip sa lumubog na bangka

National News

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na mangingisdang sakay ng lumubog na bangka sa Guimaras.

Sa ulat ng PCG, ipinagbigay- alam sa kanila ng chief mate ng MV San Rafael Uno na may nakita silang lumubog na motor banca.

Ayon sa PCG, pawang mga taga-Iloilo ang mga nasagip na mangingisda.

Kinilala ang mga ito na sina Melvic Pompirada, Melfred Pompirada, Emilio Pompirada at Joe Russel Sumagaysay.

Napag-alamang nangingisda ang mga ito nang bahagyang tumagilid ang motor banca.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *