Halos 200 arestado sa ‘one- time, big-time’ operation sa Maynila

Metro News

Halos dalawandaang katao ang naaresto sa ‘one-time, big- time’ operation ng Manila Police District (MPD) sa Lunsod ng Maynila bago ang ASEAN Summit.

Ayon kay MPD Director Joel Coronel, pitong suspek ang nasawi sa anti-illegal drug operations samantalang dalawang pulis naman ang nasugatan.

Iprinisinta  rin ng MPD ang mga nakumpiskang baril, mga hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Nahaharap naman sa iba’t ibang kaso ang mga naaresto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *