Mga kumukuwestiyon sa ICC complaint vs Duterte binuweltahan

National News

Bumuwelta si Senador Antonio Trillanes IV sa komento ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa reklamong isinampa laban dito sa International Criminal Court (ICC).

Sa isang pahayag, sinabi ni Trillanes na nagkokomento ang mga kaalyado ng pangulo na para bang nabasa na ng mga ito ang reklamong inihain ni Atty. Jude Sabio.

Hirit ng senador, tila nakalimutan na ng mga kaalyado ng pangulo na libu-libo ang namatay at wala ni isa mang taong napananagot.

Isinasantabi rin umano ng mga ito na si Duterte ang aniya’y nag-promote ng ‘policy of killings’ sa bansa.

Pero sa kabila nito’y binigyang-diin ni Trillanes na hindi pakikinggan ng ICC ang komento ng mga kaalyado ni Duterte at gagawin lang nito ang dapat na gawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *