MMDA: 'Walang isasarang kalsada para sa ASEAN Summit'

Metro News

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang isasarang kalsada para sa gaganaping ASEAN Summit.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio, sinabi ni MMDA General Manager Thomas Orbos na rerouting lang ang kanilang ipatutupad.

Pero sa kabila nito’y aminado si Orbos na maaapektuhan pa rin ang daloy ng trapiko sa EDSA.

Kaya naman pinayuhan ni Orbos ang publiko na manatili na lang sa kani-kanilang bahay para makaiwas sa aberya.

Una nang inanunsiyo ng palasyo na walang pasok ang gobyerno at pribadong sektor sa buong Metro Manila sa Biyernes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *