Nobleza kasal sa ASG member

Regional

Kasal sa Abu Sayyaf member ang police official na si Supt. Maria Cristina Nobleza.

Ayon kay Region 7 Police Director Chief Superintendent Noli Taliño, ikinasal si Nobleza kay Reneer Dongon sa isang Muslim rite.

Paliwanag ni Taliño, nagbalik-Islam o na-convert bilang Muslim si Nobleza noong nakatalaga ito bilang deputy regional chief ng Davao Police Crime Laboratory.

Una nang ikinasal si Nobleza sa isa ring police official na si Senior Superintendent Alan Nobleza na ngayon ay attaché officer sa Pakistan.

Ayon kay Taliño, iimbestigahan din ang dating asawa ni Nobleza, lalo’t taong 2010 pa umano annulled ang kasal ng dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *