Pilipinas isa sa pinakadelikadong bansa para sa mga media

National News

Isa pa rin ang Pilipinas sa mga pinakadelikadong bansa para sa media.

Sa ulat ng Reporters Without Borders, pumuwesto sa ika-127 sa kabuuang 180 bansa ang Pilipinas at nakakuha ng global score na 41.08.

Noong 2016 ay nasa rank 138 ang bansa.

May red label ang Pilipinas na ang ibig sabihin ay may ‘bad’ press freedom situation ang bansa.

Ayon sa Reporters Without Borders, ang mga private army na ginagamit ng mga lokal na pulitiko ang nasa likod ng pagpapatahimik sa mga mamamahayag.

Nagpaabot din ng pagkabahala ang grupo sa estado ng mga mamamahayag sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinakadelikadong bansa sa media ang North Korea (NoKor) samantalang ang Norway naman ang pinakaligtas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *