ASEAN fashion sa gala dinner inaabangan na

National News

Inaabangan na ang disenyo ng isusuot ng mga maybahay ng ASEAN leaders at ni Myanmar State Counselor Aung San Suu Kyi sa ASEAN gala dinner sa Sabado.

Ayon kay Palace Social Secretary Annalyn Tolentino, ang isusuot ng mga ASEAN leader spouses ay ididisenyo ni Rhett Eala na siya ring nagdisenyo ng gown ni Miss Philippines Maxine medina sa Miss Universe beauty pageant.

Ayon kay Tolentino, Mindanao-inspired ang mga damit ng mga ito at una munang ipakikita sa ASEAN leader spouses.

Wala pa namang impormasyon kung sino ang designer na naatasang gumawa ng mga damit na isusuot ng ASEAN leaders sa gala dinner.

Hindi pa matukoy kung may ibang damit na isusuot o ang business attire na lang ang gagamitin ng ASEAN leaders sa isasagawang ASEAN family photo sa Sabado.

Bahagi na ng tradisyon na sa family photo, pambansang kasuotan o damit ng host country ang ipinasusuot sa leaders samantalang magkakahawak-kamay ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *