‘Bagyong Dante’ nasa labas na ng bansa

National News

Tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Responsibility ang “Bagyong Dante.”

Sa huling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,425 km East ng Tuguegarao City, Cagayan

Ayon sa PAGASA, lumihis na ang takbo ng bagyo at papalayo na ito sa teritoryo ng Pilipinas.

Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kilometro kada-oras at may pagbugsong 65 kilometro bawat oras.

Kumikilos ngayon ang bagyo nang pa-Hilaga Hilagang Silangan sa bilis na 18 kilometro bawat oras.

Inaasahan naman na mamayang gabi ay nasa layo na itong 1,730 km East ng Aparri, Cagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *