Duterte umapela ng hinahon sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng US at NoKor

National News

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa United States at Asian powers na magpasensiya pa sa North Korea (NoKor) para maiwasang lumala ang tensiyon.

Sinabi ng pangulo na hayaan na lamang ang China na mayroon aniyang mas malalaking armas, na  kontrolin ang NoKor.

Nagbabala rin si Duterte na wala namang mananalo kapag nauwi sa nuclear war ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at NoKor.

Nauna nang nagbabala ang NoKor na posibleng sumiklab ang giyera dahil sa pakikialam ng US.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *