ICC case balewala kay Duterte

National News

Balewala kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kasong crime against humanity na isinampa laban sa kanya ng ‘self-confessed hitman’ na si Edgar Matobato sa International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Duterte na malaya raw ang mga nagsampa ng kaso at wala namang makapipigil sa mga ito.

Ayon kay Duterte, may kopya na siya ng inihaing reklamo.

Pero binigyang-diin ng pangulo na wala siyang balak magsayang ng oras para basahin ito.

Giit pa ni Duterte, na kung makukulong daw siya ay wala namang problema sa kanyang panig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *