Lighthouses itatayo ng DOTr sa mga teritoryong malapit sa Palawan

National News

Plano ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na magpatayo ng lighthouses sa mga area ng Palawan, Tawi-Tawi at ilang teritoryo ng Pilipinas na malapit sa Sabah sa Indonesia.

Sinabi ni Tugade na makatutulong ito sa mga barkong naglalayag barko sa mga naturang ruta.

Balak din ng DOTR na limitahan ang bilis ng mga naglalayag sa naturang lugar para maiwasan ang anumang sakuna.

Ayon kay Tugade, magde-deploy rin ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga naturang lugar para bantayan ang teritoryo ng bansa.

Dagdag pa ng kalihim, na ang hakbang na ito ng pamahalaan ay hindi lamang para sa pagganda ng ekonomiya ng bansa, kundi para na rin sa isyu ng seguridad ng mga naglalayag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *