Pulis na bihag ng NPA pinakawalan na

National News

Pinakawalan na ng New People’s Army (NPA) ang binihag na pulis noong Pebrero 9.

Pinalaya ng rebeldeng grupo si PO2 Anthony Palomar Natividad ng Kalilangan Municipal Police Station dakong alas-11:20 ng umaga nitong Huwebes.

Agad naman itong isinailalim sa initial debriefing at kalaunan ay na-turnover  sa Bukidnon Provincial Police Office sa Malaybalay City.

Nagpasalamat naman si Natividad sa pagpapalaya sa kanya at handa na rin aniya siyang bumalik sa serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *