Minority senators planong dumulog sa korte para kay De Lima

National News

Plano ng Senate Minority bloc na dumulog sa korte para payagan si Senadora Leila De Lima na makilahok sa deliberasyon ng Senado.

Kahapon ay dinalaw nina Senador Antonio Trillanes, Senador Kiko Pangilinan, Senador Risa Hontiveros at Senate Minority Leader Franklin Drilon ang nakabilanggong senadora sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Ayon kay Drilon, maghahain sila ng petisyon na humihiling sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) na payagan si De Lima na dumalo sa deliberasyon ng Death Penalty Bill, pagbaba ng criminal age responsibility at ang pagpapaliban ng barangay elections ngayong taon.

Tiniyak naman ng mga kaalyado ng senadora na nasa maayos itong kalagayan at nabawasan na rin umano ang stress nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *