Oil price rollback ipinatutupad ngayon

National News

Ipinatutupad na ng mga kumpanya ng langis ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Una nang nagpatupad ang Flying V, SEAOIL at Pilipinas Shell na nagtapyas ng halagang otsenta’y singko sentimos sa kada-litro ng gasolina samantalang piso sa kada-litro ng kerosene at sitenta sentimos naman sa kada-litro ng diesel kaninang alas-dose uno ng hatinggabi.

Inaasahang magpapatupad na rin ng rollback ang iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na halaga ngayong alas-sais ng umaga.

Ito ay bunsod ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *