Operasyon ng Mighty Corp, di-tamang kanselahin — Ting

National News

Umapela si Cagayan Representative Randolph Ting sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi tamang kanselahin ang operasyon ng Mighty Corporation.

Ginawa ito ni Ting matapos magbanta si BIR Commissioner Caesar Dulay na ipasasara ang nasabing kumpanya dahil sa tax evasion case.

Hiling ni Ting sa BIR na suportahan na lamang ang suhestiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumasok na lang sa ‘out of court settlements’ ang Mighty Corporation dahil sa kasong kinahaharap nito.

Bagama’t nararapat daw na parusahan ang Mighty Corporation dahil sa tax evasion case, tiyak naman daw na maaapektuhan ang mga trabahador nito na umaasa lamang sa kumpanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *