Entry, exit points ng Region 10 hinigpitan pa ng PNP vs NPA at Maute

Regional

Mas pinahigpit pa ni Philippine National Police (PNP) Region 10 Regional Director Agripino Javier ang pagbabanta sa entry at exit points ng rehiyon.

Ito ay upang hindi makapasok ang Maute group, gayundi’y makapanabotahe ang rebeldeng New People’s Army (NPA).

Nagtalaga si Javier ng mga bagong police provincial director sa Bukidnon at Lanao del Sur para mapaghandaan ang posibleng pag-atake ng mga armadong grupo.

Tiniyak din ni Javier na paiigtingin ang intelligence monitoring ng kanilang ahensiya.

Una nang nakatanggap ng report ang PNP Region 10 na nakapasok na sa rehiyon ang  Maute group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *