P400,000 halaga ng shabu nasabat sa Taguig

Metro News

Tinatayang P400,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Southern Police District-Drug Enforcement (SPD-DEU) sa Taguig City.

Nahuli ang target ng buy-bust operation na sina Evelyn Nazario at Legen Tan.

Arestado rin nang maaktuhang bumabatak sa bahay ng suspek sina Rozan Tiglao at Toneyrey Nazario at isang Rodel Samoy na may dalang 70 gramo ng shabu.

Bukod sa mga nasabat na shabu, narekober din ng mga awtoridad ang samu’t saring drug paraphernalia sa bahay ng mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *