Bagong nuclear deal sanction ng US kinondena ng Iran

International News

Kinondena ng Iran ang bagong parusang ipinataw laban sa kanila ng Amerika kaugnay ng kanilang missile program.

Sa panibagong sanction, parurusahan ang mga defense official ng Iran at isang negosyo ng China na may kaugnayan sa programa ng Iran.

Sinabi ng Amerika na ‘breach of international law’ ang missile program dahil maaaring magdala ito ng nuclear warheads sa hinaharap.

Iginiit naman ng gobyerno ng Iran na wala silang balak na magkaroon ng nuclear weapons at itutuloy pa rin nito ang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *