Pang-iisnab daw ni Marian kay Andrea Torres usap-usapan pa rin

Showbiz

Usap-usapan pa rin sa social media ang umano’y pang-iisnab ni Marian Rivera sa kapwa aktres na si Andrea Torres.

Ayon sa source, binati ni Andrea si Marian sa backstage ng isang Sunday show pero sinagot lamang siya nito nang hindi maganda sabay alis.

Nakita rin umano si Andrea na umiyak matapos ang insidente.

Dagdag pa ng source, posibleng selos ang dahilan ng pang-iisnab dahil nakatambal ni Andrea ang asawa ni Marian na si Dingdong Dantes sa isang teleserye.

Gayunman, itinanggi ni Andrea ang insidente samantalang tahimik naman ang kampo ni Marian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *