Marcelino, puwedeng gawing asset ng pamahalaan vs illegal drugs — PAO

National News

Handa raw si Lt. Col. Ferdinand Marcelino na makipagtulungan sa pamahalaan sa kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta, handa raw isiwalat ni Marcelino ang  nalalaman nito sa paglaganap ng iligal na droga sa bansa.

Giit ni Acosta, magagamit si Marcelino na asset ng pamahalaan ngayong nakalaya na dahil noong nakakulong ay hindi ito malayang makapagsalita.

Dagdag pa ni Acosta, dapat ay kilalanin si Marcelino at mabigyan ng reward dahil sa kontribusyon nito sa bansa, lalo na’t naging tapat ito sa trabaho.

Naniniwala si Acosta na na-set up lamang ang dating opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong nadakip ito sa isang bahay sa Sta. Cruz, Maynila, kasama ang Chinese interpreter na si Yan Yi Shou.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *