MMDA hinikayat ang publiko na isumbong ang drivers na lumalabag sa Anti-Distracted Act

Metro News

Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga tsuper ng mga pampubliko o maging pampribadong sasakyang lumalabag sa bagong Anti-Distracted Driving Act (ADDA).

Sinabi ni MMDa Supervising Officer Bong Nebrija na bukod sa panghuhuli ng kanilang mga tauhan ‘on-the-ground,’ ipinatutupad din ng MMDA ang ‘non-contact apprehension’ para sa naturang batas.

Ngunit sa kabila ng ‘high-definition cameras’ ng MMDA, hindi lahat ng sasakyan ay nakukunan ng video kaya kailangan ang tulong ng publiko.

Partikular dito ang pagkuha ng video sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan na matagal nang inirereklamo sa pagtanggap ng tawag at pagti-text sa cellular phones, paggamit ng radyo, paggamit ng headset sa pakikinig ng musika at iba pa.

Ayon kay Nebrija, maaaring ipadala ang mga video sa social media accounts ng MMDA o sa kanilang metrobase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *