3 patay, 12 sugatan sa engkuwentro ng militar at Maute group sa Marawi City

International News Metro Manila Metro News National News

Kinumpirma ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na tatlo ang nasawi sa panig ng gobyerno sa nangyaring engkuwentro ng militar at rebeldeng Maute group sa Marawi City.

    Ayon kay Lorenzana, isang pulis at dalawang sundalo ang nasawi samantalang labindalawa ang sugatan sa nasabing sagupaan.

    Ito ang inihayag ni Lorenzana sa isang pulong-balitaan sa Moscow, Russia.

    Sa ngayon ay hindi pa pinangangalanan ang pagkakakilanlan ng mga nasawi sa panig ng pamahalaan.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *