AFP tiniyak na under control na ang situwasyon sa Marawi City matapos ang paglusob ng Maute group

Metro Manila National News Regional

Tiniyak ni Western Mindanao Command (WesMinCom) Chief Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr. na kontrolado na ng militar ang situwasyon sa Marawi City.

    Sinabi ni Galvez na base sa impormasyong nakarating sa kanya ay nagko-consolidate na ang tropa ng militar para mapanatiling matahimik ang Marawi City matapos ang paglusob ng Maute terrorist group.

    Ayon kay Galvez, dahil sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP)

at Philippine National Police (PNP) ay agad idineklarang under control na ang lugar samantalang nagpapatuloy ang kanilang pursuit operations laban sa mga rebeldeng grupo.

    Patuloy ring inaalam ng awtoridad kung may foreign terrorist na sangkot sa engkuwentro dahil sa ISIS flag na nakataas sa lugar.

    Nanawagan naman ang militar sa mga residente na manatiling maingat at kalmado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *