Pagsunog sa ilang pasilidad bineberipika pa ng AFP sa Marawi City

Metro News National News Regional

Hinimok ng militar ang publiko na maging maingat sa pagsisiwalat ng mga impormasyon at mga retrato sa social media kaugnay ng nangyayaring kaguluhan sa Marawi City.

    Ang panawagan ay ginawa ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Col. Edgar Arevalo matapos kumalat sa social media ang mga retrato ng mga kaganapan sa lunsod na nagbibigay ng lakas ng loob sa mga rebeldeng grupo.

    Tiniyak ni Arevalo na walang foreign terrorist na sangkot sa naturang engkuwentro.

    Pinabulaanan din ni Arevalo ang balitang nakubkob na ng mga rebeldeng grupo ang Marawi City Hall.

    Bineberipika rin ng AFP ang umano’y pagsunog ng Maute sa ilang pasilidad gaya ng Dansalan College, St. Mary’s Church at Ninoy Aquino School.

    Sa ngayon ay nagpapatuloy ang military operations sa lugar para tiyakin ang situwasyon sa lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *