Higit P8-M hirit na back pay ng NAPOCOR employees hinarang ng SC

International News Metro News National News News & Update

Hinarang ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Regional Trial Court na ipamahagi ang P8.5 milyong back allowances ng mga empleyado ng state-run National Power Corporation (NAPOCOR).

    Sa desisyon, pinaboran ng SC ang pamahalaan matapos ipawalambisa ang November 2008 ruling ng Quezon City Regional Trial Court-Branch 84 na inihain ng NAPOCOR employees at workers union at NAPOCOR Employees Consolidated Union.

    Una nang hiniling ng mga empleyado ng NAPOCOR na ipalabas na ang kanilang cost of living allowance at amelioration allowance noong Hulyo 1, 1989 hanggang Marso 16, 1999.

    Sinabi ng Korte Suprema na dapat ay naging maingat ang RTC sa pagdedesisyon sa kaso, lalo pa’t ang halagang sangkot ay aabot sa higit walong milyong piso.

    Dahil dito, ginawang permanente ng Korte Suprema ang inisyu nitong temporary restraining order (TRO) laban sa pagpapatupad ng desisyon ng mababang hukuman.

    Ayon sa Korte Suprema, alinmang hinihirit na monetary claim mula sa gobyerno ay dapat na idinadaan sa Commission on Audit (COA).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *