World leaders kinondena ang pagpapasabog sa concert ni Ariana Grande

International News News & Update

Mariing kinondena ng world leaders ang nangyaring madugong terror attack sa concert ng US pop singer na si Ariana Grande sa Manchester, England.

    Tiniyak ni Russian President Vladimir Putin na handa silang tumulong sa Britanya kaugnay ng aniya’y hindi makataong krimeng sinapit ng concert-goers.

    Naniniwala si Putin na mananagot ang nasa likod ng terror attack bagama’t batay sa Manchester police ay namatay na ang mismong suicide bomber kasabay ng pagpapasabog nito ng IED sa labas ng arena.

    Nagpahayag naman ng pagkabahala si Australian Prime Minister Malcolm Turnbull dahil halos puro teenagers ang target na nanonood sa concert ng ‘bang bang’ hitmaker.

    Nagpaabot naman ng pakikidalamhati at simpatiya si Chinese President Xi Jinping kay Queen Elizabeth II at sa lahat ng mga naiwang pamilya ng mga biktima.

    Tinawag naman ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na barbaric attack at paraan daw ng mga duwag ang naturang terror attack.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *