Do’s and don’ts ng Martial Law para sa PNP, AFP: Walang warrantless arrest

Metro News National News News & Update Regional

Inatasan ng Department of National Defense (DND) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyakin ang pagpapairal ng ‘rule of law’ at pagtataguyod sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng Martial Law sa buong Mindanao.

    Kaugnay nito, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, bilang pangunahing administrator ng Martial Law sa Mindanao.

    Pinaalalahanan ni DND Undersecretary for Civil, Veterans and Retirees Affairs Eduardo del Rosario ang mga sundalo, na sa ilalim ng Batas- Militar ay hindi suspindido ang Konstitusyon, gayundin ang operasyon ng judicial at legislative assemblies.

    Aniya, sa ilalim ng Batas-Militar ang AFP ay magkakaroon ng police powers na mag-aresto ng mga suspek sa krimen.

    Samantala, sa panig ng PNP, nilinaw rin naman ni C/Insp. Jose Najera ng PNP Legal Service, walang mababago sa mga pinaiiral na alituntunin ng PNP ngayon.

    Una nang idineklara ng Pangulong Duterte ang Martial Law sa buong Mindanao sa loob ng 60 araw upang masupil ang lawless violence sa lugar, kasunod ng kaganapan sa Marawi City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *