Duterte pinawi ang pangamba ng business sector sa pagdedeklara ng Martial Law

Metro News National News News & Update

Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang economic team ang pangamba ng business sector sa posibleng pag-abuso ng Martial Law sa Mindanao.

    Magugunitang ilang investors ang nagpahayag ng concern sa deklarasyon ng pangulo at maaaring makaapekto raw sa ekonomiya ng Pilipinas.

    Sinabi ni Duterte, na kung kakayanin sa loob ng isang linggo ay babawiin niya ang Martial Law at bibilisan ang pagpapanumbalik sa normal na kalakaran sa Mindanao.

    Sa panig naman ni Department of  Finance (DOF) Sec. Sonny Dominguez, kampante silang mananatili ang economic growth momentum ng bansa sa kabila ng umiiral na Batas-Militar sa Mindanao.

    Inihayag ni Dominguez na walang dapat ikabahala ang investors sa Martial Law, lalo pa’t kontrolado ng militar ang government installations at mga pangunahing imprastraktura sa Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *