PNP pinabulaanan ang text message na may suicide bombers sa MM

Metro Manila Metro News News & Update

Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) ang kumakalat na text message na mayroon diumanong suicide bombers mula sa Mindanao na maghahasik ng terorismo sa Metro Manila (MM).

 

    Nakiusap naman ang pulisya na tigilan ang pagpapakalat ng naturang mensahe na nagdudulot lang ng dagdag- pangamba.

 

    Gayunman, naglatag na rin ang PNP ng karagdagang checkpoints sa iba’t ibang lansangan sa MM bilang bahagi ng pinaigting na seguridad kontra- terorismo.

 

    Ayon sa PNP- National Capital Region Police Office (NCRPO), magiging pangkaraniwan na ang mga naturang checkpoints kahit walang nasasagap na impormasyon ukol sa posibleng pag-atake sa MM.

 

    Nagpulong naman ang NCR Regional Peace and Order Council sa Quezon City para paigtingin din ang seguridad sa siyudad.

 

    Doble naman ang paghihigpit sa Quiapo, Maynila bago ang Ramadan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *