Sundin ang price freeze sa sakop ng Martial Law – DTI

Metro News National News News & Update

Nanawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante sa buong Mindanao na tumalima sa umiiral na price freeze sa mga pangunahing bilihin.

    Tiniyak ni Usec. Ted Pascua na maparurusahan ang hindi susunod sa nasabing batas gaya ng pagkansela ng lisensiya sa negosyo.

    Una rito, agad na umiral ang price freeze makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa Mindanao.

    Base sa ra 7581 o Price Act of the Philippines, kaakibat ng Batas-Militar ang pagpapatupad ng price freeze, katulad din kapag may mga deklarasyon ng state of calamity, state of emergency at iba pa.

    Sakop nito ang mga pagkain at kagamitan na karaniwang tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayang apektado ng anumang sanhi ng mga nabanggit na deklarasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *