Bilang ng mga namatay sa marawi city: Umakyat na sa 95 kabilang ang mga terorista, militar at sibilyan

International News Metro News National News News & Update

Umaabot na sa halos sandaang katao ang nasawi sa isang linggong bakbakan sa pagitan ng militar at Maute group sa Marawi City.

    Sa report ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinabi ni Spokesperson Brigadier Gen. Restituto Padilla, na animnapu’t isa nang miyembro ng teroristang Maute ang napapatay ng mga militar, kabilang na ang mga dayuhang terorista gaya ng Indonesians, Malaysians at Singaporeans.

    Samantala, labinlima naman sa panig ng pamahalaan, kung saan ay labing-isa sa mga ito ay mga sundalo at apat na pulis.

    Dagdag ni Padilla, labinsiyam na sibiliyan ang pinaslang ng mga terorista kabilang ang walong bangkay na narekober sa labas ng Marawi State University (MSU).

    Sa ngayon ay nagpapatuloy ang militar sa paglulunsad ng air strikes at pagpapakawala ng artillery fire sa ilang lugar sa Marawi para sa mabilis na clearing operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *