Camp Crame binulabog ng bomb threat

International News Metro Manila Metro News National News News & Update

Binulabog ng bomb threat ang Camp Crame matapos matagpuan sa labas ng gate nito ang dalawang kahina-hinalang bag.

Dahil dito, kinordonan ng pulisya ang lugar at isinara ito sa motorista.

Agad rumesponde ang Philippine National Police-Explosive Ordinance Disposal (EOD) at ginamitan ng water disruptor ang kahina-hinalang bag.

Nagnegatibo naman sa anumang pampasabog ang bag, kung saan ay nakita rito ang isang cellphone, power bank, mga damit, pagkain, tubig at hanger.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *