Joint session sa Martial Law iginiit

International News Metro News National News News & Update

Iginiit ni Albay Rep. Edcel lagman na labag sa Saligang-Batas ang ginawa ng Kongreso na hindi mag-joint session matapos magdeklara ng Martial Law sa Mindanao si Pangulong Rodrigo Duterte.

    Sinabi ni Lagman na malinaw ang nakasaad sa Konstitusyon na agad at mandatory na mag-joint session ang Kamara at Senado at hindi ito maaaring iwasan.

    Ayon kay Lagman, binigyan ng apatnapu’t walong oras ang pangulo para mag-report sa Kongreso kaugnay ng deklarasyon nito ng Martial Law.

    Dahil dito, hindi maaaring mag-delay ang Kongreso sa pag-convene sa joint session upang pag-aralan, i-assess at desisyonan kung ire-revoke o hindi ang deklarasyon.

    Dagdag pa ng kongresista na maaari namang kuwestiyunin sa Korte Suprema ang nasabing deklarasyon ng pangulo.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *